-
Upang makilahok sa kumpetisyon, para sa mga kasalukuyang trader kailangan mong lumikha ng isang bagong trading account. Magagawa ito sa pamamagitan ng "Mag-request ng Bagong Trading Account" sa iyong pangunahing account dashboard pagkatapos ng pag-log in.
Para sa mga bagong trader, maaari kang lumikha ng isang bagong account sa Magbukas ng Live Account
-
Ang Mga Live Account lamang sa platform ng MetaTrader 4 ang maaring sumali para sa kumpetisyon. Ang mga Competition Account ay maitatakda sa USD currency lamang.
-
Ang lahat ng mga account na nakikilahok sa Kompetisyon ay magte-trade na may leverage na 1:100. Hindi ito mababago.
-
Ang minimum na kapital para lumahok sa Kumpetisyon ay USD 500. Maaari mong piliing mag-top up ang iyong account ng anumang oras
-
Ang Kumpetisyon ay magsisimula sa unang araw ng trading ng buwan na iyon, at magtatapos sa huling araw ng trading para sa buwan na iyon. Sa kaganapan mayroon kang mga bukas na posisyon na hindi naisara bago ang katapusan ng buwan, tandaan na ang lahat ng mga bukas na posisyon ay isasama sa panghuling tabulasyon ng mga position ranking.
Kapag natapos ang buwan ng trading, ang Kumpetisyon ay magpapatuloy sa susunod na buwan. Ang bawat buwan ay itinuturing na isang season.
-
Dapat irehistro ng mga kalahok ang kanilang buong pangalan kapag lumilikha ng isang account. Nauunawaan mo at sumasang-ayon ka na ang buong pangalan na nakarehistro ay gagamitin sa Competition ranking, at samakatuwid nakikita ng lahat ng mga kalahok.
-
Ang nangungunang 3 nagwagi lamang sa bawat kategorya ang ilalagay ang kanilang mga pangalan sa Hall of Fame page sa website na ito.
-
Mayroong 2 uri ng main rankings:
- Absolute Value
- ROI
Ang pagkalkula para sa ROI ay isang porsyento batay sa iyong kabuuang P&L sa iyong pangkalahatang kapital sa pagtatapos ng season.
Ang pagkalkula para sa Absolute Value ay batay sa kabuuang P&L para sa bawat season.
-
Upang maging mas kapanapanabik ang mga kaganapan sa kasalukuyang season, magkakaroon din kami ng Mga Bi-Weekly Challenges tulad ng mga sumusunod:
- NFP Challenge
- Mga Precious Metal
- Langis
- CFDs
- FOMC Challenge
- USD Pairs
- EUR Pairs
Ang mga tuntunin at kundisyon para sa bawat isa sa mga Bi-Weekly Challenge na ito ay ipo-post nang hiwalay.
-
Point System at Mga Bonus
-
Margin Stop Outs
Upang mabawasan ang epekto ng margin stop out sa mga trader, ang anumang mga account na nakikilahok sa Kumpetisyon na daranas ng isang margin stop out ay magkakaroon ng 5% na trading commission na ni-rebate sa anyo ng kredito.
-
Mga bonus sa Pagbubukas ng Account
Sa unang paglalagay mo ng pondo sa iyong account, makakatanggap ka ng karagdagang kredito upang makatulong sa iyong pagte-trade. Ang iba't ibang mga tier ay ang mga sumusunod:
Funding Amount |
Credit Rebate |
USD 5,000 – USD 9,999 |
5 % |
USD 10,000 – USD 14,999 |
7 % |
> USD 15,000 |
10 % |
*Ang mga credit rebate ay may cap na USD 20,000
-
SamRewards Loyalty Program
Upang gantimpalaan ang aming pinaka loyal at aktibong trader, nagpatupad kami ng isang loyalty program kung saan kikita ka ng SamPoints para sa bawat kontrata na itetrade mo. Ang mga SamPoints na ito ay maaaring matubos para sa Cash Rebates o mga item. Para sa karagdagang impormasyon sa SamRewards, mangyaring bisitahin ang SamRewards™
-
Dalas ng credit top-up
Ang top up amount na bibigyan ng kredito ay napapailalim sa cap na USD 20,000 para sa bawat season. Ibibigay lamang ang kredito sa top up amount, hindi sa kabuuang balanse.
-
Pag-aalis ng Mga Kredito
Ang anumang anyo ng mga panloob na fund transfer o pag-withdraw sa loob ng kasalukuyang season ay magreresulta sa pagtanggal ng lahat ng mga kredito na nakuha sa season na iyon.
Sa pagtatapos ng season, ang lahat ng mga nakuha na kredito ay aalisin.
Ang anumang account na may negatibong balanse ay magreresulta sa pagtanggal ng mga kredito.
-
Mga Premyo
-
May gantimpalang cash ang igagawad sa 1st winner para sa kategoryang "Absolute Value Winner. Ang gantimpalang cash na ito ay mai-credit nang deretso sa iyong trading account.
-
Igagawad ang SamPoints sa mga nagwagi sa mga sumusunod na kategorya. Ang halaga ng coins na igagawad ay ilalabas pagkatapos ng pagtatapos ng bawat season.
ROI Winner
Mga Bi-Weekly Challenge Winner
-
Ang iba't ibang mga item na maaaring matubos sa pamamagitan ng SamRewards ay hindi maaaring i-convert sa cash.
-
Sa kaganapan na ang 1st winner para sa parehong Absolute Value Winner at ROI Winner ay iisang tao, ang premyo lamang para sa Absolute Value Winer ang igagawad.
-
Mga sertipikasyon
Sa pagkumpleto ng bawat season, may e-Certificate na ibibigay para sa nangungunang 3 trader sa bawat kategorya
-
Ang mga manager ng asset, mga introducing broker, kliyente ng mga manager ng asset pati na rin ang mga kumpanya ay hindi karapat-dapat na makilahok sa Kompetisyon. Ang lahat ng mga account na kalahok sa Kumpetisyon na ito ay dapat na indibidwal na mga account.
-
Walang pagsusulatan ang magaganp patungkol sa kumpetisyon na ito. Walang ligal na panremedyo ang mayroon.
-
Ang S.A.M. Trade ay may karapatang baguhin, palawigin, paikliin o kanselahin ang Kumpetisyon na ito sa sarili nitong paghuhusga sa anumang oras, nang walang paunang babala at walang pananagutan sa bahagi nito.
-
Ang Kumpetisyon na ito ay pinamamahalaan ng mga batas ng Republika ng Saint Vincent and tge Grenadines at sasailalim sa eksklusibong hurisdiksyon ng mga korte ng Republic of Saint Vincent and the Grenadines.