Patakaran sa Margin Call & Stop Out


Ang mga trading account sa S.A.M. Trade ay awtomatikong makakaranas ng isang margin call kung natugunan ang mga pamantayan sa ibaba. Mahalagang tandaan na ang wastong pamamahala sa risk at paglalagay ng mga stop loss ay binabawasan ang pangangailangan para sa isang margin call sa traders account. Pinapayuhan namin ang lahat ng mga kliyente at trader na mahigpit na sumunod sa mga margin requirement kapag nagte-trade.

  • Ang mga Minimum Margin Requirement sa Mga Bukas na Posisyon ay dapat na mapanatili ng customer sa lahat ng oras.
  • Ang lahat ng mga bukas na posisyon at nakabinbing mga order ay napapailalim sa likidasyon ng S.A.M. Trade kung hindi napanatili ang Minimum Margin Requirement.
  • Ang mga margin requirement ay maaaring magbago anumang oras. Gagawin ng S.A.M. Trade ang makakaya nito upang ipaalam sa kustomer ang tungkol sa anumang inaasahang mga pagbabago sa pamamagitan ng email at sa pamamagitan ng message system ng trading platform.
  • Magaganap ang Margin Call kung ang kabuuang equity, sa anumang oras, ay katumbas o bumaba ng 100% ng Used Margin. Ang mga posisyon ay ibabatay sa pinamainam na ma-execute na mga presyo na magagamit sa oras na iyon sa S.A.M. Trade.
  • Lilikidahin ng S.A.M. Trade ang lahat ng Open Position at nakabinbing mga order sa account ng kustomer kung ang kabuuang equity, sa anumang oras, ay katumbas o mas mababa sa 50% ng Used Margin. Ang mga posisyon ay isasara batay sa pinakamainam na ma-excute na mga presyo sa mga oras na iyon sa S.A.M. Trade.
  • Ang lahat ng mga bukas na posisyon sa mga fully hedged account ay awtomatikong isasara sa presyo ng merkado kung maabot o mas bumaba sa 0 ang equity ng account, na nalalapat sa lahat ng aming mga platform..
  • Ang paglalagay ng mga Stop Loss Order, na ginagamit upang mapababa ang pagkalugi, ay responsibilidad ng mga kliyente.