OVERVIEW NG MGA COMMODITY


Ano ang mga commodity?

Ang mga commodity ay mga likas na yaman na maaaring maproseso at mai-trade, ang pangunahing mga sangkap ng pandaigdigang ekonomiya. Ang mga ito ay likas na yaman na tine-trade sa mga nakatuong mga exchange sa buong mundo. Ang ilan sa mga commodity na sinusubaybayan sa mga financial market ay kabilang ang mga metal, produktong pang-agrikultura, enerhiya at mineral.

Ang mga commodity ay mahahalagang bahagi ng iba pang mga manufactured goods, mahalagang mga sangkap para sa parehong mga produktong pang-industriya at domestic at pagkain. Ipinapadala ang mga ito sa buong mundo upang matugunan ang pangangailangan dahil hindi lahat ng mga bansa ay may kakayahang makagawa ng bawat commodity na kailangan nila.

Ang produksyon at pagkonsumo ng mga commodity ay nakasalalay sa mga salik tulad ng panahon, klima at mga resources - kapwa likas at gawa ng tao. Ang demand ay naiimpluwensyahan din ng mga pang-ekonomiyang kadahilanan at ugali ng mga konsyumer. Dahil sa kadahilanang ito, ang mga presyo ng commodity ay may potensyal na magbagu-bago nang malaki.

Ang mga commodity ay karaniwang tine-trade ng maramihan, maaring sa cash market, o mas madalas, sa mga futures exchange.


Commodity Terminology

Ang mga commodity ay naka-grupo ayon sa mga magkakatulad na katangian ng mga ito. Nasa ibaba ang ilang mga pangkalahatang termino na ginamit upang maiuri ang mga ito:

Mga Soft Commodity

Karaniwan itong itinatanim, sa halip na minahin o i-extract. Ang mga soft commodity ay may posibilidad na maging napaka pabagu-bago sa short term dahil madaling kapitan ang mga ito ng pagkasira o pagkabulok na maaaring biglaan at kagulat-gulat na pagalawin ang presyo.

Ang mga prodyuser ay madalas matindi ang partisipasyon sa mga soft market dahil masigasig silang patatagin ang presyo para sa kanilang ani. Kasama ng natural pagpapalago ng mga commodity na ito, lumilikha ito ng pana-panahong pagbagu-bago ng mga presyo.

Ang ilang mga halimbawa ng mga soft commodity ay kinabibilangan ng: Mais, bigas, trigo, asukal, beans ng kakaw, orange juice, baka

Mga Hard Commodity

Karaniwan itong minimina mula sa lupa o na-extract mula sa iba pang mga likas na yaman. Ang inisyal na commodity ay maaari ding i-refine sa ibang commodity. Halimbawa, ang langis ay maaaring i-refine sa gasolina.

Ang ilang mga produktong pang-agrikultura, tulad ng koton, ay ibinibilang din na mga hard commodity, dahil hindi ito mabilis na nasisira at itinuturing na pang-industriya na materyales kaysa sa mga pagkain. Ang mga hard commodity ay karaniwang mas madaling pang-hawakan kaysa sa mga soft, at mas madaling isama sa prosesong pang-industriya. Dahil dito, nagiging sikat na pagpipilian ang mga ito para sa mga investor; halimbawa, trilyong dolyar na halaga ng oil futures ang itinetrade taun-taon.

Ang ilang mga halimbawa ng hard commodity ay kinabibilangan ng: Langis, natural gas, koton, aluminum, copper, tingga

Mga Emerging na Commodity

Ito ang mga commodity na inaasahan ng ilang mga investor na umusbong sa susunod na ilang taon, ngunit sa kasalukuyan ay hindi magagamit sa pagte-trade bilang commodity future. Ang tanging paraan lamang upang i-trade ang mga produktong ito ay ang bumili ng mga stock sa mga kumpanya na nag-ooperate sa mga industriyang ito.

Ang ilang mga halimbawa ng umuusbong na mga commodity ay kinabibilangan ng: Tubig, mga karapatan sa tubig, etanol



Paano mag-trade ng mga commodity?

Ang mga commodity market ay tumutulong upang matiyak ang katatagan sa mga presyo, lalo na sa pamamagitan ng mga futures contact. Sa ngayon, nag-aalok lamang kami ng mga spot contract.

Ang spot price ng isang commodity ay ang presyo kung saan ang commodity ay maaaring i-trade sa anumang naibigay na oras sa marketplace. Ang mga spot contract ay karaniwang ang presyo upang maisarado kaagad ang isang kontrata. Isipin ito bilang pag-areglo ng presyo on the spot, kaya ito tinawag na "spot contract".

Ang isang futures contract ay ang presyo ng commodity na isinasaalang-alang ang maraming mga kadahilanan, tulad ng kasalukuyang spot price, oras hanggang sa maihatid (oras hanggang sa pag-expire), rate ng interes na walang risk at mga storage cost sa hinaharap.

Sa pangkalahatan, magkaiba ang mga futures price at spot price dahil ang merkado ay palaging nakatuon ang pansin sa hinaharap. Ang pagkakaiba sa spot price at futures price ng isang commodity ay dahil sa gastos na may kaugnayan sa carry at interest rate.


Bakit mag-trade ng mga commodity?

Ang mga commodity ay isang mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay. Kung magmaneho ka ng kotse, maaapektuhan ka ng mataas na presyo ng krudo. Kung sinusundan mo ang mga balita tungkol sa ginto, mababatid mo na ang presyo ng ginto ay nagbabagu-bago batay sa estado ng pandaigdigang ekonomiya. Binibigyan ka ng pagte-trade ng mga commodity ng pagkakataon na masamantala ang mga paggalaw ng presyo dahil sa mga macroeconomic, geopolitical at pana-panahong mga kadahilanan.

Ang mga commodity ay maaari ding maging mahalagang paraan upang i-diversify ang iyong portfolio na higit sa mga tradisyonal na mga security, alinman sa pangmatagalan, o bilang isang paraan upang itabi ang cash sa panahon ng hindi pangkaraniwang pabagu-bago o bearish na stock market. Ang mga commodity ay kadalasang kabaliktaran ang relasyon sa mga stock.


HALAGA


Swaps

Dahil ito ay isang ni-leverage na kontrata, ikaw ay pinapahiram ng pera upang mabuksan ang iyong posisyon, sa labas ng paunang deposito na nabayaran mo. Kung nais mong pang-hawakan ang iyong posisyon ng magdamag, sisingilin ka ng isang maliit na bayarin upang maging garantiya para sa pera na hiniram mo. Mangyaring bisitahin angOvernight Fundingang page sa ilalim ng Trading tab para sa karagdagang impormasyon.


Mga komisyon

Sa S.A.M. Trade, hindi kami naniningil ng komisyon.


Siyasatin ang higit pa tungkol sa ...